WATCH: Supt. Marvin Marcos, idedestino sa Central Mindanao para tugisin ang mga kaalyado ng ISIS

Idedestino raw ang kontrobersyal na si Supt. Marvin Marcos sa Central Mindanao para tugisin ang mga kaalyado ng ISIS. Ito ay matapos siyang maibalik sa pwesto sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes lamang.

Ayon kay PNP Spokesperson Carlos, ito ang pangunahing trabaho ni Marcos bilang hepe ng CIDG sa Central Mindanao.

Kabilang dito ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na hinihinalaang nakikipag-kontsabahan umano sa Maute-ISIS na lumusob sa Marawi kamakailan.

Naging kontrobersyal si Marcos matapos siyang akusahan na nasa likod ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulangan ng CIDG-Eastern Visayas.



Watch the video below:

Sponsored link