WATCH: Dalawang pulis-Mandaluyong na nambugbog sa mga inaresto, nasa Marawi na

advertisements

Dumating na sa Marawi City ang dalawang pulis Mandaluyong na nag-viral sa social media kamakailan dahil sa matinding pananakit nito sa dalawang inarestong lalake gawa ng paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Ayon kay Philippine National Police-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) Regional Director Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, kahapon dumating sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez.

Ito ay kasunod sa utos ni PNP chief dir. Gen. Ronald Dela Rosa na dapat ngayong araw ng Miyerkules ay nasa Marawi City na ang dalawang pulis.

Sa ngayon ay nananatili aa Marawi City Police Office sina Tandog at Enriquez.

Pahayag ni Sindac, nais lamang nilang magbagong buhay ang dalawa habang ginagawa ang kanilang tungkulin sa Marawi, kung saan patuloy pa rin ang sagupaan ng Maute group at mga militar roon.

Una nang sinibak ang dalawang pulis sa Mandaluyong dahil sa pangyayantok ng mga ito sa dalawang lalaking nahuling umiinom sa kalsada.



Watch video here:

Sponsored link