Watch: War on drugs ni President Duterte, binatikos ng isang policy expert mula Thailand

advertisements

Binatikos ng isang drug policy expert mula Thailand ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga, at sinabing hindi raw ito magtatagumpay.

Ayon kay Pascal Tanguay ng Law Enforcement and HIV Network, tila replika ng kampanya kontra iligal na droga ng pangulo ang ipinapatupad noon ni dating prime minister Thaksin Sinatwara sa Thailand.

Aniya, hindi raw naging epektibo ang pamamaraan ni Sinawatra kaya tiyak daw siya na mabibigo rin ang pangulo sa kanyang war on drugs.

Dagdag pa niya, tila nagiging normal na rin daw sa bansa ang pang-aabuso umano ng mga pulis, kaya panawagan niya na dapat makinig raw ang pangulo sa mga tunay na eksperto.


Watch video here:

Sponsored link