Watch: Palasyo, dismayado sa pagbisita ni Callamard sa bansa ng walang pasabi

advertisements

Naglabas ng pagkadismaya ang Malakanyang matapos hindi magpaalam sa pamahalaan si US Special Rapporteur Agness Callamard na bumisita sa Pilipinas para imbestigahan ang umano'y extra-judicial killings na nangyayari sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagbisita ni Callamard sa bansa nang wala man lang pasabi ay isang malinaw na palatandaan na hindi ito interesado na makakuha ng patas na opinyon mula sa gobyerno.

Aniya, noong nagdaang taon ay nagpaabot ang pamahalaan ng imbitasyon sa tanggapan ni Callamard para magsagawa ito ng kanyang imbestigasyon sa bansa pero hindi ito sumagot, sa halip ay basta na lamang itong nagpunta sa Pilipinas na taliwas din sa panuntunan ng UN.

Dagdag pa nito, kung nais makipag-usap ni Callamard sa pamahalaan ay kausapin na lamang nito ang mataas na delegado na ipinadala ng Pilipinas sa bansang Geneva, Switzerland.




Sponsored link