Watch: Liberal Party na sangkot sa destabilization plot, papanagutin ng administrasyong Duterte

advertisements

Kinumpirma mismo ni Solicitor General Jose Calida na ang grupong Liberal umano ang nasa likod ng destabilization plot laban sa kasalukuyang administrasyon at binalaan na papanagutin ang mga ito.

Ayon kay SolGen. Calida, nagsisimula na silang mangalap ng mga ebidensya para papanagutin ang mga taong sangkot sa pagpapabagsak sa administrasyong Duterte, pero tumanggi ito na pangalananan ang mga personalidad na taga Liberal Party. 

Sinabi ni Calida na hindi matanggap ng mga dilawan na natalo sila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang eleksyon. 

Naniniwala din si Calida na ang dilawan ang nasa likod ng isinampang kaso ni self-confessed hitman Edgar Matobato sa International Criminal Court (ICC) laban sa pangulo.

Nang tanungin kung isa si dating Pangulong Noynoy Aquino na kasama sa destabilization plot, sinabi ni Calida na siya ang pinakadilaw sa lahat: “He is the yellowest of them all.” 


Sponsored link