Watch: Ex-DOTC Sec. Abaya, sinampahan na ng kasong graft sa Ombudsman

advertisements

Sinampahan na ng kasong graft sa opisina ng Ombudsman ang dating kalihim ng Department of Transportation and Communications na si Joseph Emilio Abaya at anim na iba pang opisyal kaugnay ng non-operational train coaches na binili sa China noong 2014.

Sa inihaing reklamo ng grupong Anti-Trapo Movement of the Philippines, iginiit ng mga ito na ang apatnapu't walong coaches ay hindi nagamit dahil sa maraming depekto kabilang na ang di pagkakaroon ng signaling system.

Pahayag nito, dapat umanong managot ang mga akusado dahil sa pagsasawalang-bahala ng mga ito sa mga technical deficiencies nito.

Bukod kay Abaya kasama rin sa pinakasuhan sina dating secretary ng DOTC na si Jose Perpetou Lotilla, dating chairman ng DOTC bids award committee na si Rene Limcaoco at iba pang mataas na opisyal ng ahensya.


Watch video here:

Sponsored link