WATCH: Erwin Tulfo, may malaman na mensahe at payo para kay Alejano

advertisements

Nagbigay ng isang malaman na mensahe at payo ang batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo para kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano matapos ibasura ng House justice committee ang impeachment complaint na inihain nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Tulfo, hindi aniya trabaho ng isang kongresista ang mag-imbestiga at usigin ang sinuman o ang Pangulo gayong ang trabaho nito ay dapat magpanukala ng batas para sa bayan.

Pahayag nito, "Ang trabaho po ng isang mambabatas ay gumawa ng mga panukalang batas na ikagaganda ng buhay ng bawat isa... Hindi po ninyo trabaho ang mag-imbestiga, hindi po ninyo trabaho ang mag-prosecute. Hindi ka namin binabayaran para mag-imbestiga, binabayaran ka namin para gumawa ng batas."

Biro pa nito, kung wala umanong maisip na matinong batas si Alejano ay pwede niyang ipanukala ang batas na "Bawal umutot" basta't alam ng taong bayan na hindi nasasayang ang pinapasweldo nila.


Watch video here:

Sponsored link