WATCH: Alejano, ginisa ng mga mambabatas kaugnay sa impeachment complaint na inihain nito kay Duterte

Ginisa at kwinestiyon ng mga mambabatas ang personal knowledge ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano kaugnay sa inihain niyang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa unang pagdinig ng House Committee on Justice, sinupalpal ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang kagustuhan ni Alejano na basahin ang kanyang opening statement at inumpisahan agad ang verification stage.

Unang tinanong ni Fariñas kung personal ba ang pagkakaalam ni Alejano sa ilang puntos ng grounds for impeachment tulad ng umano'y walong libong drug suspects na napatay sa war on drugs ng administrasyon nang walang paglilitis at ang Davao Death Squad.

Ayon kay Alejano, open sources ang pinanggalingan nito partikular sa mga talumpati ni Pangulong Duterte at ibinubunyag sa media.

Pero hindi nagustuhan nina Fariñas at Committee Chair Reynaldo Umali ang naging tugon ni Magdalo dahil mag-aaksaya lang umano sila ng oras kung pakikinggan ang paligoy-ligoy na mga sagot nito mula sa ibang pinagmulan.



Watch video here:

Sponsored link