Watch: Sen. Lacson, binatikos ang mga patutsada ni Callamard sa war on drugs

advertisements

Binatikos ng ilang senador ang mga naging patutsada ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, bakit raw may konklusyon na si Callamard sa bilang ng mga napatay sa iligal na droga gayong wala pa naman siyang ginawang imbestigasyon. 

Duda din ang senador sa pahayag ni Callamard na inimbitahan itong dumalo sa isang drug policy forum sa University of the Philippines at alam mismo ito ng Malakanyang.

Samantala, una ng iginiit ng Malakanyang na hindi nanghingi ng abiso si Callamard ng dumating  ito sa Pilipinas.

Naniniwala din si Lacson na personal ang pagtungo ni Callamard sa bansa at wala itong pahintulot mula sa pamunuan ng United Nations.



Watch video here:

Sponsored link