WATCH: Russia, sagot ang limang araw na official visit ni Pangulong Duterte

advertisements

Ang gobyerno ng Russia ang sasagot sa lahat ng gastusin sa limang araw na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow, ito ay ayon sa Office of the Presidential Protocol ng Malakanyang at Department of Foreign Affairs (DFA).

Maliban dito, sasagutin din ng bansang Russia na siyang host country sa limang araw na official trip ng Pangulo ang hotel accommodation gayundin ang mga gagamiting sasakyang kasama ng kanyang delegasyon sa Moscow.

Sa ilalim ng official visit protocol, bibigyan ng military honors ang Pangulong Duterte ni Russian President Vladimir Putin na kakaiba sa working visit.

Magkakaroon ng mga bilateral meeting ang Pangulo kay Russian President Putin na may kinalaman sa ekonomiya at usapang pangseguridad.

Ngayong hapon naman nakatakdang lumipad ang Pangulo mula Davao patungong Moscow kasama ang mga delegasyon nito.



Watch video here:

Sponsored link