WATCH: President Duterte, mainit na sinalubong sa Russia

advertisement

Mainit na sinalubong ng Russia ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bansa para sa kanyang limang araw na official visit doon. 

Ito ay dahil na rin sa personal na imbitasyon na iniabot ni Russian Vladimir Putin sa Pangulo sa naganap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Lima, Peru, noong Nobyembre 2016.

Sinalubong ng red carpet ang Pangulo at ng mga matataas na opisyal ng Russia at binigyang pugay ng mga Militar, habang pinapatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas.

Nakatakda naman ang Pangulo na makipagpulong sa mga Russian leaders kabilang na rito sina Russian President Putin and Prime Minister Dmitry Medvedev, sunod naman na dadaluhan ang ilang business forum at pagtitipon ng Filipino community.




Watch video here:

Sponsored link