WATCH: Noynoy Aquino, tumanggap ng P90 million pork barrel mula kay Napoles

advertisements

Naghain ng ebidensya si Council for Philippine Affairs (COPA) leader pastor “Boy” Saycon sa Department of Justice na magsisilbing katibayan laban sa pagkakasangkot ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa katiwalian pati na ang mga kaalyado nitong mambabatas.

Ayon kay Saycon, nakatanggap si Aquino ng P90 million mula sa binansagang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Aniya, wala namang masama sa pagtanggap ng mga campaign contributions ngunit ang problema ay ang hindi pagdedeklara nito sa Statement of Contributions and Expenditure sa Commission on Elections pagkatapos ng eleksyon tulad ng ginawa ni Aquino.

Maliban dito, mahigit 10 mambabatas din ang inaakusahang tumanggap ng campaign contributions kay Napoles.

Nang matanong naman kung sinu-sino ang mga ito, sinabi na lang ng COPA official na isa sa mga tumanggap ay matinding kritiko ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte at dati rin daw nasangkot sa tangkang kudeta noong Arroyo administration.



Watch video here:

Sponsored link