WATCH: Impeachment complaint na inihain ni Alejano laban kay Pangulong Duterte, ibinasura na

advertisements

Ibinasura na ng House Committee on Justice ang inihaing impeachment complaint ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Ayon sa komite na pinamumunuan ni Rep. Reynaldo Umali, ‘insufficient in substance’ ang nasabing reklamo na isinampa ni Alejano.

Dahil rito, apatnapu’t dalawang miyembro ng Kamara ang bumoto pabor sa pagbasura sa impeachment complaint, habang wala naman ang tumutol o nag-abstain.

Pero sa kabila nito, gagawa pa rin daw ng report ang komite at iaakyat ang reklamo sa plenaryo, kung saan malalaman kung tuluyan na nga ba itong ibabasura.

Sinabi naman ni Alejano na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang kanyang mga punto kung bakit siya naghain ng impeachment complaint laban sa pangulo.



Watch video here:

Sponsored link