Dispute vs China 'di dadalhin ni Duterte sa ASEAN

advertisements

Nilinaw ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak dalhin sa darating na ASEAN Summit sa Laos ang tensyon ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Dadalo ang Pangulong Duterte sa ASEAN Summit sa Setyembre 6-8 sa Laos kung saan tatanggapin din nito ang ASEAN chairmanship.

Sinabi ni President Duterte, dadalhin lamang nito ang isyu kapag nagkaharap-harap na sila 'face-to-face' sa China at hindi idulog kung saan-saan para maiwasang lumala ang sitwasyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, baka maasar o magalit ang China kapag nag-ingay at tuluyan ng umiwas sa pakikipag-usap sa Pilipinas.

Iginiit ni Pangulong Duterte na hayaan munang magkaroon ng isang sitwasyong angkop sa pag-uusap upang doon na ilatag ang ating posisyon at pagsisimulan ng negosasyon.(Sa tamang panahon).

"I will only bring the issue when we are together face-to-face," - Pangulong Duterte.

Sponsored link